May mga pagod na hindi naidadaan sa tulog
At sa halip ay naitutulay
Sa pagtitig sa kawalan
Sa pagdinig sa katahimikan
Sa pag-iisip ng wala
Sa pagpikit ng madiin
May mga pagod na maitatawid lang
Sa pagtigil ng oras
Tama na muna
Tumigil na muna
Hindi ka naman siguro mahuhuli
Kung pipiliin mo muna ang
Huminga.